Bela Padilla open to working again with Marian Rivera

0
231
Almost a decade after their controversial rift, Bela Padilla (left) says she is open to working again with Marian Rivera. The two became co-stars in the Kapuso primetime series Endless Love in 2010. PHOTO/S: NOEL ORSAL
 
 

“Yeah, why not?”

Bahagi ito ng maiksing pahayag ni Bela Padilla sa tanong kung bukas ba siyang makatrabaho muli ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Noong nakaraang linggo, naging guest si Bela sa ABS-CBN late-night entertainment talk show na Tonight With Boy Abunda (TWBA).

Sumalang siya sa “Fast Talk” segment.

Isa sa mga tanong ni Boy: “Would you ever work on a project with Marian Rivera?”

Tugon ni Bela: “Oo.”

Pero hindi na in-elaborate ni Bela ang kanyang sagot.

BELA ON WORKING WITH MARIAN AGAIN

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa presscon ng pelikulang Mañanita ngayong Lunes, November 18, tinanong namin siya tungkol sa kanyang sagot sa TWBA.

“Yeah, why not? Why not?” sabi ng Kapamilya actress.

“I’m not sure if she does movies right now or… but, yeah why not?”

Indikasyon itong matagal nang tapos ang nangyaring isyu sa kanila.

Nagkasalubong na ba sila ni Marian?

“Yes, yes… several times in events.

“We always say ‘hi’ naman,” sagot ni Bela.

BELA-MARIAN RIFT IN THE PAST

Taong 2010 nang nagkaroon ng hidwaan ang dalawang aktres.

Noong mga panahong iyon ay nasa bakuran pa ng GMA Network si Bela.

Nagkatrabaho ang dalawa noon sa primetime teleseryeng Endless Love, kung saan co-star nila ang nobyo pa lang noon ni Marian na si Dingdong Dantes.

Gumanap na magkasintahan sina Bela at Dingdong sa Endless Love.

Sinasabing nag-ugat ang hidwaan ng dalawa dahil hindi umano nagustuhan ni Marian ang pagiging masyadong close ni Bela sa isang eksena nila ni Dingdong.

Sa isang interview ng lola ni Bela na si Eva Cariño noong September 2010, inihayag nitong sinabihan umano ni Marian si Bela ng hindi magagandang salita pagkatapos ng taping ng kanilang teleserye.

Kasunod nito ay pinag-ayos ng GMA management ang dalawang aktres.

Pero nagkaroon ng tunay na pagkakaayos at closure sa pagitan nila pagkalipas ng apat na taon.

Nangyari ito nang mag-guest si Bela sa dating weekly dance program ni Marian sa GMA-7, ang Marian.

Sa pamamagitan ng email, inilahad noon ni Bela sa PEP.ph na nakipag-ugnayan si Marian sa kaibigan niyang si Sarah Lahbati, upang tanungin kung willing siyang mag-guest sa show ni Marian.

“I was surprised, of course!” sabi ni Bela sa interview noong August 2014.

“She texted Sarah to ask me.

“And I said yes to Sarah after double checking with my managers that I was available to guest on the date she sent.”

Sabi pa ni Bela sa interview noon: “It’s been so long and I really wanted closure.”

Paglalarawan pa niya nang magkita sila ni Marian noon: “So, when I saw her in the studio, we just smiled at each other and she kind of opened her arms for a hug and I hugged her back.”

Taong 2015 naman nang bumalik sa bakuran ng ABS-CBN si Bela.

BELA’S TOKYO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL EXPERIENCE

Samantala, naging maganda ang karanasan ni Bela sa Tokyo International Film Festival (TIFF), kung saan entry ang Mañanita.

Lahad niya, “Ang saya. It was very well received, the film.

“Actually, all of our screenings were sold out.

“The questions of the press and the audience were very smart.”

Naging proud daw si Bela kung paano ipinakita ng Japanese audience ang respeto nila sa kanilang pelikula sa isang screening.

“What struck me in the whole experience, after ng pelikula, nag-roll ang credits, walang tumayo.

“They respected everybody who made the film, not just me who acted in it and Direk Paul [Soriano] who directed.

“They waited for all the names to come out.

“After lumabas yung last name, t’saka pa lang sila nagpalakpakan and doon ako kinilig.”

Ipalalabas ang Mañanita sa selected cinemas sa Pilipinas simula sa December 4, 2019.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here