‘Ghost buster’ Gretchen Barretto takes a swipe at ‘ghost writer’ sister Marjorie Barretto

0
290
On Sunday, August 11, Gretchen Barretto changed her Instagram bio to ‘Ghost Buster’ after Marjorie Barretto changed hers to “Ghost Writer.”

Tila patuloy sa social media ang patutsada ng magkapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto laban sa isa’t isa. 

Ngayon araw, August 11, marami ang nakapansin nang palitan ni Gretchen ang kanyang Instagram bio ng “GHOST BUSTER” na may kasamang ghost at zombie emoji.

IMAGE @GRETCHENBARRETTO ON INSTAGRAM

Marami sa mga nakapansing netizens ang nagsasabing ito ang kanyang sagot sa ginawang pasaring ng kanyang nakababatang kapatid na si Marjorie.ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang umaga na pinalitan ni Marjorie ang kanyang Instagram bio ng “Ghost Writer.”

IMAGE @MARJBARRETTO ON INSTAGRAM

Ito ay tila kaugnay ng akusasyon ni Gretchen tungkol sa anak ni Marjorie na si Julia na di umano’y nag-hire ng ghost writer para sa matapang nitong pahayag laban kay Bea Alonzo noong nakaraang August 6.ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Umalma si Julia sa diumano’y pailalim na paninira sa kanya ni Bea sa social media sa pamamagitan ng pag-like nito sa mga “harmless photos” na nag-uugnay sa kanya at kay Gerald Anderson.

Si Bea rin daw ang naging dahilan upang madawit si Julia sa problema ng dating magkasintahan.

Simula pa lang ng kontrobersya ay malaki na ang suportang ibinigay ni Gretchen sa dati nitong Magkaribal co-star na si Bea. Ilang oras makalipas i-post ni Julia ang kanyang statement, hindi napigilan ni Gretchen ang sarili na magbigay ng komento hinggil sa isyu.ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Komento ni Gretchen, “THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITTER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT.” 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here