MMDA hands off on Celine Pialago complaint vs. Doris Bigornia

0
284

IMAGE Facebook

MMDA clarifies MMDA spokesperson Celine Pialago’s (left) complaint versus ABS-CBN news reporter Doris Bigornia (right) is “personal in nature.” 


Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na walang kinalaman ang ahensiya sa alitan nina MMDA spokesperson Celine Pialago at ABS-CBN News reporter Doris Bigornia. 

Kaugnay ito ng reklamo ni Pialago sa insidente kunsaan sinagawan at sinaktan siya diumano ni Bigornia. 

Ipinaabot daw ni Pialago ang kanyang letter of complaint laban kay Bigornia kay ABS-CBN News and Current Affairs Division Head Ging Reyes.

Si Pialago ay tumatayo rin bilang assistant secretary sa MMDA. 

Bahagi ng pahayag ng MMDA:

“We would like to inform you that Asec. Pialago’s letter is personal in nature.

“It does not reflect or represent the MMDA as institution despite the said letter being printed on the official letterhead. 

“We did not sanction the same and was done at her personal behest.” 

Base ito sa official letter ni MMDA General Manager Jose Arturo Garcia Jr. kay Doris na may petsang August 8. ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Pirmado ito ni Garcia at ni MMDA Chairperson Danilo Lim. 

MMDA TO PROBE COMPLAINT

Taliwas sa reklamo ni Pialago, inihayag ni Garcia bilang pinuno ng MMDA na maayos daw ang “working relationship” ng ahensya kay Bigornia. 

Lahad nito, “We have a very good professional working relationship and your person has been very helpful in conveying MMDA’s message to the public.

“Some scathing reporting aside, your persistence and dedication in covering news concerning traffic and flooding made the public more aware of the MMDA’s efforts in serving the greater Metro Manila.

“We will be very pleased if you will be retained as ABS-CBN’s assigned reporter for the Agency.” 

Nakasaad din sa sulat ni Garcia kay Bigornia na gagawa raw ang MMDA ng sariling imbestigasyon hinggil sa reklamo ni Pialago laban sa ABS-CBN News reporter. 

“Rest assured that we will address the matter with objectivity and fairness,” dagdag ni Garcia. 

Ang sulat ni Garcia kay Bigornia ay nailathala sa Facebook page ni Alvin Elchico, kapwa-ABS-CBN News reporter ni Bigornia. 

CELINE PIALAGO’S COMPLAINT VS. DORIS BIGORNIA

Sa kabilang banda, nanindigan si Pialago na “salbahe” at “intolerable” umano ang behavior ni Bigornia sa kanya. 

Pakiramdam daw ni Pialago ay hindi umano siya safe kung patuloy na makaharap niya si Bigornia sa tanggapan ng MMDA. 

“She shouted and pointed a finger on me in our own office,” lahad ni Pialago sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 9.

Dagdag niya patungkol kay Bigornia, “With her presence, I don’t feel safe.

“Grabe yan, Sir.

“Pinakabastos kasi sa lahat ng ginawa niya yung duruin ako, sigawan ako, sa sarili naming opisina.”

Nasaksihan daw ito ni MMDA General Manager Jose “Jojo” Garcia Jr. 

PIALAGO, BIGORNIA RECENT MEETING

Sa hiwalay na ulat ng PEP.ph noong August 7, nakasaad na noong August 6 ay nagkaharap sina Bigornia at Pialago. 

Sa meeting na iyon ay hinimok daw sila ni Garcia na magkaayos na, pero mainit umanong nagbitiw ng salita si Bigornia na hindi ito makikipag-ayos sa isang “unethical person.” 

Sa parte ni Pialago, hindi raw niya gustong madamay pa sa isyu ang MMDA at sapat na raw sa kanya na ipaubaya sa ABS-CBN News ang pag-imbestiga sa reklamong inihain niya laban kay Bigornia. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here