Senator Manny Pacquiao, back to school

0
232

Nakakapanghina na ang mga balita tungkol sa pagpapalaya ng Bureau of Corrections sa mga kriminal na guilty sa heinous crimes, ang corruption sa naturang government agency, at ang tila walang katapusang debate tungkol sa SOGIE Bill.

Kaya naman breath of fresh air ang muling pagbabalik sa eskuwela ni Senator Manny Pacquiao.

Alam ng buong mundo na hindi nakatapos ng pag-aaral si Pacquiao at naging masuwerte siya sa boxing kaya natupad ang lahat ng kanyang mga pangarap.

Elementary education lamang ang nakumpleto ni Pacquiao dahil sa matinding kahirapan ng buhay.

Pero noong February 2007, nakapasa siya sa high school equivalency exam kaya pinagkalooban ang Pambansang Kamao ng high school diploma ng Department of Education at nakapag-enroll sa business management course sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City.

Ngayong gabi, September 6, ibinahagi ni Pacquiao sa kanyang social media followers ang kopya ng student ID niya sa University of Makati.

Caption niya rito: “Never stop learning because life never stops teaching.”CONTINUE READING BELOW ↓

Balik sa pagiging estudyante si Pacquiao dahil sa kanyang AB Political Science–Local Administration course sa University of Makati.

Isa itong positive news, nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon kaya pinupuri siya ng lahat.

Sa edad na 40, pinatunayan ni Pacquiao na tulad sa pag-ibig, walang edad na pinipili ang edukasyon, lalo na sa mga taong nangangarap magkaroon ng college degree.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here